NCRPO, handa na sa Balik Eskwela 2017

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda na ang kanilang hanay na magpatupad ng mahigpit na seguridad sa darating na pasukan.

Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde – ito’y masiguro na magiging ligtas ang mga estudyante at mapanatiling mapayapa ang unang linggo ng kanilang klase.

Kasado na aniya ang kanilang plano para sa darating na pabubukas ng klase kaya naman asahan na umano ang mga dagdag na pulis na roronda malapit sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila.


Kasabay nito ay magdadagdag rin umano ang NCRPO ng police assistance desk at magde-deploy ng EOD K9 sa mga paaralan lalo na sa mga kritikal na lugar.

Nakatakdang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Hunyo 5.
DZXL558

Facebook Comments