Mahigpit na regulasyon sa mga high powered firearms, ipinag-utos ni P-Duterte

54

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng mas mahigpit na regulasyon sa pagmamay-ari ng matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Pangulong Duterte – layon nito na maging responsible sa paggamit ng mga may-ari ng armas.


Sinabi rin ng pangulo na sasailalim sa neuropsychiatric test, drug test at pagkuha ng directorate intelligence at nbi clearance ang mga hahawak ng mga mataas na kalibreng baril.

Tiniyak din ng Pangulong Duterte na hindi mapapasakamay ng mga masasamang loob at kalaban ng estado ang mga matataas na uri ng armas na pwedeng makaapekto sa kaligtasan ng publiko.
DZXL558

Facebook Comments