Labing-apat na undocumented OFWs na nakulong sa Russia, nakalaya na

Manila, Philippines -Matapos ang isang araw na pagkakakulong ay nakalaya na ang labing-apat na Filipino workers sa Russia.

Gayunman, nananatiling nakakulong ang tatlong iba pang Pinoy.

Iginigiit naman ng Philippine Embassy na biktima lamang ng illegal recruiter ang naturang undocumented OFWs.


Tiniyak naman ng embahada na handa silang tulungan ang lahat ng undocumented Pinoy workers sa Russia para maging ligal ang kanilang pagta-trabaho doon.

Nanawagan din ang Philippine Embassy sa iba pang mga Pilipino na nais magtrabaho sa nasabing bansa na sundin ang batas ng Russia.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments