NDRRMC, tuloy ang assessment sa pinsala ng lindol

Nagpapatuloy ang isinasagawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa nangyaring magnitude 7 na lindol sa Abra kanina.

Sa ngayon nagpupulong sa NDRRMC Headquarters sina Department of National Defense (DND) Senior Usec.Jose Faustino Jr., Office of Civil Defense (OCD) Usec. Ricardo Jalad, Usec. Raymundo Ferrer, Asec. Raffy Alejandro, OCD Director Edgar Posadas at OCD Dir. Hamid Bayao.

Ayon sa NDRRMC nakatanggap na sila ng preliminary information sa pinsala ng lindol sa Abra na naramdaman sa iba’t ibang panig ng bansa pero ito ay kanila pang beneberipika.


Tuloy ang assessment ng mga lokal na pamahalaan pero base sa inisyal na impormasyon walang kuryente at internet sa Abra, Cordillera Administrative Region at iba pang lugar na malakas na niyanig ng lindol.

Facebook Comments