Biyahe ng PAL patungong Northern Luzon, tuloy sa kabila ng nangyaring malakas na lindol kanina

79

Tiniyak ng Philippine Airlines (PAL) na tuloy ang flight PR2197 ngayong tanghali patungong Laoag, Ilocos Norte sa kabila ito ng malakas na lindol sa Northern Luzon kanina.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, nag-abiso ang PAL Operations Control Center (OCC) sa Laoag Airport Terminal na walang naging pinsala sa runway ng nasabing paliparan.

Tiniyak din ni Villaluna na tuloy ang kanilang flights ngayong araw sa Basco, Batanes gayundin ang Manila-Legazpi-Manila flights.


Wala rin aniyang naging pinsala sa iba pa nilang terminals sa Luzon gayundin ang iba pang mga paliparan kabilang na ang Clark International Airport sa Pampanga.

Facebook Comments