Kumpiyansa si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na maaabot pa rin ng Pilipinas ang estado ng pagiging upper-middle income country sa taong 2025.
Ito ay sa kabila ng mga hamong pang-ekonomiya nitong nakaraang mga buwan.
Iginiit din ni Secretary Balisacan na mahalaga ang pagpapatupad ng Philippine Development Plan (PDP) para mapabilis ang pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at reporma.
Kabilang dito ang pagpapahusay ng sektor ng agrikultura, pagpapalakas ng imprastraktura, at pagtitiyak ng maayos na pamamahala sa pananalapi.
Facebook Comments