Negosyante at Helper, Nasamsaman ng Gramo-Gramong Iligal na Droga

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang negosyante kabilang ang isa pang kasama nito matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Provincial Road Purok 3, Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Marcelina Eugenio alyas “Salen”, 41 anyos, may asawa at Mirasol Sag-al, 28 anyos na kapwa residente ng Barangay Lacnog, Tabuk City Kalinga.

Naaresto ang dalawa ng pinagsanib na pwersa ng Kalinga Provincial Intelligence Branch/Drug Enforcement Unit (PIB/DEU), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga and Apayao, Special Weapons and Tactics (SWAT), Tabuk City Police Station, Regional Intelligence Division Cordillera (RID COR), Regional Intelligence Unit (RIU-14), First Kalinga Provincial Mobile Force Company (1st KPMFC) led by PLTCOL RADINO S BELLY matapos magbenta ng iligal na droga.


Narekober sa mga suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.4101 gramo, buy-bust money na P2,000.00 at cellphone.

Samantala, tinatayang nasa kabuuang 45.0139 gramo ang nakumpiskang Marijuana Oil sa isang helper kasama ang isang menor de edad na naaresto matapos ang inilatag na checkpoint sa Callagdao, Tabuk City, Kalinga nito lamang sabado, Pebrero 15, 2020.

Sinampahan na ng kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Bulayang habang nasa pangangalaga na ng Social Welfare ang menor de edad.

Facebook Comments