Negosyante binaril ng riding in tandem

Patay on the spot ang 49 anyos na ama ng tahanan, makaraang dikitan ng riding in-tandeem asssassins na nangyari sa national highway ng sitio egam, brgy. Galakit, Pagalungan, Maguindanao. Alas 8:45 ng umaga ng lunes, febrero a 26 sa taong kasalukuyan
Kinilala ni Police Sinior Inspector Blayn Manarof Lomas-e, hepe ng Pagalungan Municipal Police Station ang biktima na si Kongan Sumagka Lataban, 49 anyos, may asawa na residente ng brgy. Fortpikit, Pikit, Cotabato
Ayon sa ulat mula sa Pagalungan PNP, galing umano ang biktima angkas ang kanyang misis sa bayan ng pikit at papunta sa bayan ng Kabacan at habang binabaybay ang kahabaan ng national highway ng brgy. Galakit ay dinikitan sila ng riding in-tandeem assassins at pinagbabaril ang biktima.
Unang putok ay tinamaan ang biktima sa batok at tumagos sa noo at isa pang tama sa leeg sanhi ng kanyang agaran kamatayan.
Pinaniniwalaang buhat sa calibre 45 pistola ang ginamit ng mga suspek sa nasabing crimen, ito ay basi sa basio ng bala na natekober sa pinangyarihan ng krimen.
Agad naman dinala ng kanyang misis ang bangkay ng biktima sa kanilang tahanan sa brgy. Fortpikit, pikit, cotabato.
Hanggang ngayon ay patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang mga otoridad kung sino ang nasa likod ng nasabing pag patay sa biktima.(Radyoman Jessie Ali)

Facebook Comments