Negosyante, Binaril sa Tuguegarao

Tuguegarao, Cagayan – Habang abala ang marami sa unang araw ng Cagayan Valley Regional Athletic Meet ay isang negosyante ang binaril at namatay sa Lungsod ng Tuguegarao.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan News kay PSupt Edward Guzman, ang hepe ng Tuguegarao City Police, ang biktima ay nakilalang si Marcial Apostol, 45 taong gulang, may asawa at residente ng Atulayan Norte, Tuguegarao city.

Nangyari ang pamamaril als 9:55 ng umaga kahapon ng Pebrero 23, 2018 sa Campos Street, Caritan Centro sa naturan ding lungsod.


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, napag alaman na nakatayo lamang ang biktima nang siya ay nilapitan ng dalawang lalaki na nakabonete at pinagbabaril ito.

Itinakbo ang biktima sa Peopl’es General Hospital(PGH) ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Agad tumakas ang mga suspek at ayon sa pulisya ng Tuguegarao ay kasalukuyan ang kanilang ginagawang operasyon upang madakip ang mga suspek.

Ang pinangyarihan ng krimen ay malapit lamang sa pangunahing pinagdadausan ng mga laro sa kasalukuyang Cagayan Valley Athletic Association(CAVRAA) 2018 Meet sa Lungsod ng Tuguegarao.

Magugunitang sa naunang panayam ng RMN Cauayan News Team kay PNP Tuguegarao Chief of police PSupt Edward Guzman ay kanyang sinabi na may naka-abang na Quick Reaction Team upang tumugon sa anumang di kanais nais  na pangyayari.

Facebook Comments