Boracay — Magsasampa ng kaso ang isang miyembro ng Malay Auxiliary Police (MAP) laban sa isang negosyante matapos na ito’y sampalin sa isla ng Boracay .
Ang biktima MAP ay kinilalang si Carlos Magdaluyo, 55-anyos, residente ng Sitio Bantud, Brgy. Manoc-manoc, Boracay habang ang negosyanteng nanampal sa kanya ay nakilalang si Rose Marie Visca, 49-anyos, at residente ng Brgy. Yapak sa nasabing isla.
Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan lumalabas na, itong MAP ay pinuntahan si Visca para sabihan na kumuha muna ng business permit bago mag bukas ng kanyang negosyo kung saan binigyan pa ito ng ilang araw para makapag proseso.
Matapos ang ilang araw na palugit ay binalikan ito ng MAP at hinanapan ng kaukulang permit sa kanyang negosyo pero wala pa rin itong maipakita dahilan para na mag isyu ng citation ticket ang MAP.
Nang papepermahan na sana ng MAP ang ticket ay imbes perma sampal ang inabot nito.
Negosyante, nanampal ng MAP matapos tiketan: MAP magsasampa ng kaso
Facebook Comments