Negosyante sa San Quintin, Pangasinan,pinagnakawan ng tatlong dating empleyado

Timbog ang tatlong katao kung saan pinagnakawan ng mga ito ang dati nilang amo sa Brgy. Lagasit, San Quintin, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na si Jayson Cabato, Marvin Padilla at Jomar Cabubos pawang nasa hustong gulang at residente ng Tayug Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, nilooban ng tatlo ang pigery farm na pagmamay-ari ng isang Winnifred Rivera, trenta anyos at kinuha ang mga gamit na nagkakalahaga ng 28, 500 at sinira pa umano ang ibang gamit gaya ng TV at component.


Nakasalubong pa umano ng biktima ang tatlong suspek matapos mangyari ang insidente.
Sa ngayon, nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang awtoridad ukol sa nasabing pagnanakaw.

Facebook Comments