Cauayan City, Isabela- Agad na inaresto ng mga tauhan ng CIDG-Kalinga/Apayao PFU, Tabuk City Police Station, at 2nd KPMFC ang isang negosyante sa Barangay Naneng, Tabuk City, Kalinga noong July 29, 2021.
Batay sa imbestigasyon ng Kalinga Police, isang 37-anyos na lalaki at residente ng Alab, Bontoc, Mt. Province ang dinakip dahil sa iligal umanong pagbebenta ng refilling Liquefied Petroleum Gas sa mga mamimili nito.
Positibong tinanggap ng suspek ang buy-bust money na P3,600 na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto at pagkumpiska ng mga ebidensya gaya ng tatlumput limang (35) piraso ng filled LPG cylinder tank; isang (1) filled LPG cylinder tank na pain sa suspek;dalawang blue gallon na naglalaman ng 30 liters ng diesel na may halaga bawat isa na P2,200 at resibo.
Umabot sa halagang P22, 720 ang halaga ng mga illegal na produktong kinumpiska ng mga awtoridad.
Nahaharap ang negosyante sa kasong PD 1865 na nasa pangangalaga ng pulisya.