Negros Island Region Bill, aprubado na sa Kamara

Sa botong pabor ng 290 na mga mambabatas ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7355 o Negros Island Region o NIR Bill.

Layunin ng panukala na pabilisin ang economic at social growth at development ng Negros Occidental at Negros Oriental bilang single administrative region.

Sa ilalim ng panukala, bubuuin ang NIR ng mga lungsod, munisipalidad, at mga barangay sa Negros Oriental, Negros Occidental at island province ng Siquijor.


Isa ang NIR Bill sa labing dalawang nalalabing LEDAC priority measures ng administrasyon na target pagtibayin ng Kamara.

Facebook Comments