#NenengPH, inaasahang lalabas na ng bansa mamayang gabi; Signal No. 2 nakataas pa rin sa 3 lugar – PAGASA

Napanatili ng Bagyong Neneng ang lakas nito habang patuloy na kumikilos patungong West Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 210 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 150 kilometro kada oras.


Kumikilos ang bagyo pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes, western portion ng Babuyan Islands, at northwestern portion ng Ilocos Norte.

Signal no. 1 naman sa western portion ng Cagayan, Apayao, northern portion ng Abra, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur.

Sa pinakahuling weather bulletin, inaasang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo mamayang gabi pero patuloy pa itong lalakas.

Facebook Comments