Net optimism sa job availability, tumaas – SWS survey

Naitala sa 19.7% ang antas ng walang trabaho sa mga nasa hustong gulang na hanay sa bansa batay sa first quarter 2019 SWS survey.

Ang net optimism sa  job availability ay nasa “very high” +37.

Ito ay batay sa survey na isinagawa mula March 28-31, 2019 kung saan 1,440 na nasa edad 18 years pataas ang na-interview sa balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.


Lumilitaw sa survey na tumaas ng 47.6 million ang mga nasa hustong gulang na nagkatrabaho.

Ito ay katumbas ng 9.4 million adults na napasama sa labor force.

Ito na ang dalawang magkasunod na quarter na nakapagtala ng pagbaba sa bilang ng mga adults na nagsasabing wala silang trabaho.

Facebook Comments