Kampante ang bagong tatag na Kusog Bicolandia na papaburan ng COMELEC Central Office ang application nito for accreditation. Ang Kusog Bicolandia ay isang regional-based political party na itinatag ng negosyanteng si Noel de Luna.
Sa panayam ng RMN Naga DWNX kay de Luna, positibo siya na ilalabas na ng COMELEC Central Office ang desisyon nito kaugnay ng intensiyon ng KB na ikunsidera bilang isang political party dito sa Bicol. Ipinahayag pa ng businessman-founder ng Kusog Bicolandia na na-comply naman nila ang lahat ng mga requirement s ng Comelec para sa pagtatayo at pagpapa-accredit ng isang political party, kaya walang dahilan na ma-deny ang kanilang pakay na opisyal na kilalanin bilang isang regional political party na kikilalanin sa pangalang Kusog Bicolandia.
Ang bagong partido political ay meron ng listahan ng mga indibidwal na kasapi nito na tatakbo sa mga local posts sa darating na 2019 elections. Idinagdag pa ni de Luna na inimbitahan na nila si Vice Mayor Nelson Legacion na sumapi sa kanilang grupo para siya ang iindorso sa pagka-mayor ng syudad sa darating na 2019 elections.
New Bicol-Based Political Party Umaasang Kikilalanin ng COMELEC; Gustong I-adopt si Naga City VM Nelson Legacion Para sa Kanyang Mayoralty Aspiration
Facebook Comments