NFA, patuloy na magbebenta ng murang bigas hanggang Agosto

Tuloy ang pagbebenta ng murang bigas ng National Food Authority (NFA) hanggang Agosto 2019.

Base ito sa napag-usapan sa pulong ng NFA Council noong Martes kaugnay ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Rice Tariffication Law.

Habang sa Setyembre, sisimulan nang ibenta sa merkado ang mga bigas mula sa mga lokal na magsasaka.


Gayunman, aminado si Agriculture Secretary Manny Piñol na wala pang malinaw na presyuhan para sa mga ibebentang lokal na bigas.

Tiniyak naman ng kalihim na ililipat ang ilang NFA employees sa Bureau of Plant Industry (BPI) na dadaanan ng mga rice importer bago makapag-angkat ng bigas.

Sa susunod na linggo, inaasahang mapipirmahan na ng NEDA at budget department ang IRR ng batas.

Facebook Comments