NILINAW | Sister Fox, maari pa ring manatili sa bansa – DOJ

42

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na maari pa ring manatili sa bansa ang Australyanong madre na si Patrica Fox.

Ito ay habang nakabinbin pa ang kanyang apela para sa pagpapalawig ng kanyang missionary bisa kahit mayroong deportation order na inisyu ang Bureau of Immigration (BI) laban sa kanya.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nag-apply si Fox ng renewal para sa kanyang missionary visa.

Hangga’t hindi inaaksyunan ng BI ang application, maaring manatili sa bansa ang dayuhang misyonaryo.

Patungkol naman sa deportation order ng BI laban kay Fox, sinabi ni Guevarra na antayin ang paglalabas ng DOJ resolution hinggil dito.

Ang isyu ng extension ng visa at apela ng kanyang deportation order ay magkaugnay.

Facebook Comments