DUMEPENSA | Sec. Año, itinangging isinusulong ng ahensya ang RevGov

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Department of Interior and Local Government (DILG) acting Secretary Eduardo Año na kabilang ang revolutionary government sa isinusulong ng ahensya.

Ayon kay Año, ang RevGov drive ay personal na opinyon ni DILG Undersecretary Epimaco Densing at hindi kabilang sa ikinakampanya ng ahensya.

Giit pa ni Año, ang RevGov ay hindi opisyal na desisyon ng DILG at sumusunod ang kanilang ahensya sa isinusulong na federal constitution na inilatag ng consultative committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Facebook Comments