No sail zone sa bahagi ng Manila Bay, ipinatupad na ngayong araw

Manila, Philippines – Ipinatupad na ngayong araw ang ‘no sail zone’ o ang pagbabawal na maglayag sa bahagi ng Manila Bay na malapit sa pangyayarihan ng ASEAN Summit.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, ang naturang no sail zone ay ipatutupad hanggang sa araw ng Sabado, April 29.

Kasama sa mga ipinagbabawal ang paglalayag sa paligid ng US embassy, hanggang Manila Yatch Club, pati na ang bahagi ng break water area mula sa CCP-PICC complex hanggang sa bahagi ng SM Mall of Asia.


Nakahanda na rin ang kanilang mga karagdagang pwersa tulad ng quick reaction team at anti-terrorism group para sa dagdag na seguridad.

Facebook Comments