Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Rey Lopez, Deputy Chief of Police ng PNP Cabagan, Isabela, istrikto aniya nilang iniimplimenta ang ibinabang direktiba sa ng DILG Isabela sa bawat Police Stations kaugnay sa no vaccine, no entry sa mga motorista at byahero.
Isa aniya itong hakbang ng PNP Cabagan para matulungan ang LGU na mahikayat ang mga unvaccinated individuals na magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay PMaj. Lopez, hinahanapan ng vaccine card ng mga nakabantay na pulis sa checkpoint ang lahat ng mga dadaan sa checkpoint lalo na kung papasok sa bayan ng Cabagan.
Kung wala aniyang maipakita na COVID-19 vaccine card ang isang indibidwal ay tinutulungan ng kapulisan na mai-coordinate sa pinanggalingang bayan para mahikayat na magpabakuna.
Base naman sa kanyang obserbasyon sa naturang polisiya, sumusunod naman aniya rito ang mga motoristang napapadaan na kanilang pinapatigil sa checkpoint.
Samantala, kasabay ng kanilang pagbabantay sa quarantine checkpoints, mahigpit din aniya ang kanilang ginagawang pagpapatupad ng gun ban sa mga motorista kung saan wala pa namang nahuli ang PNP Cabagan na lumabag sa umiiral na gun ban.