Imbestigasyon ng Senado sa sinasabing maanomalyang pagbili ng pamahalaan ng COVID medical supplies, ipinagpatuloy

162

Ipinagpatuloy ngayong araw ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa sinasabing maanomalyang pagbili ng pamahalaan ng COVID-19 medical supplies.

Hindi naman nakadalo sa pagdinig ang kontrobersyal na opisyal ng Pharmally Biological na si Rose Nono Lin.

Batay sa medical certificate na isinumite sa komite ng abogado ni Lin, nagpositibo sa COVID-19 at may sakit sa bituka ang kaniyang kliyente kaya hindi ito nakadalo sa hearing.


Inatasan naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon si Committee Director General Atty. Rodolfo Quimbo na alamin ang tunay na kundisyon ng kalusugan ni Lin.

Nagbabala rin si Gordon na ipapa-aresto si Lin kapag patuloy itong hindi sumipot sa pagdinig.

Iimbitahan din ng komite sa susunod na hearing ang doktor na nag-isyu ng medical certificate kay Lin.



Facebook Comments