Naipadala na ng mwss sa regulatory office ang notice of violation sa Manila Water.
Natapos na kasi ang 15 araw na monitoring nila sa paglabag ng Manila Water sa concession agreement kaugnay ng isang linggong water service interruption sa ilang lugar sa Metro Manila at Rizal.
March 8 nang simulan ang monitoring at nagtapos ito noong sabado, March 23.
Sa ngayon, hinihintay na lang ng MWSS ang paliwanag ng Manila Water.
Kapag nakuntento sa paliwanag posibleng desisyunan na nila sa Hunyo o Hulyo kung magkano ang ibibigay na rebate sa mga customer nitong naapektuhan ng water shortage.
Facebook Comments