NPA, UMAMIN NA RESPONSABLE SA LABANAN SA SAN GUILLERMO, ISABELA!

Inamin ng Benito Tesoro Command ng New Peoples Army (NPA) na sila ang responsable sa nangyaring dalawang beses na bakbakan sa San Guillermo, Isabela kahapon.

Ayon sa inilabas na statement na naturang grupo ng NPA, ito ay bahagi na kanilang Tactical Offensive Operation laban sa anti insurgency campaign ng pamahalaan at ipakita na hindi totoo ang ipinapalaganap ng militar na konti na ang kanilang puwersa.

Pag amin ng grupo ng NPA, isang yunit nila ang responsable sa nangyaring engkwentro kahapon sa Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela habang ang isa pang yunit nila ang may kagagawan sa pagpapasabog ng command detonating bomb sa Brgy. San Mariano Norte ng nabanggit paring bayan. Ipinagmalaki pa ng grupo na isa itong tagumpay sa kanilang hanay.
Dagdag pa ng rebeldeng pangkat na ang paggamit ng gobyerno sa PNP at militar ay manipestasyon ng pagiging desperado nito na mapuksa ang kanilang hanay.


Samantala, patuloy parin ang manhunt operation ng 86th IB para sa ikakatugis ng NPA na responsable sa dawang sagupaan. Nakipagsanib puwersa narin ang Taktical Operations Group 2 ng Philippine Air Force. Nagpahayag si Lt. Col. Ali Alejo, Commanding Officer ng 86th IB na hindi sila titigil hanggat hindi nalilipol ang NPA.

Facebook Comments