NTF-ELCAC, muling inireklamo sa Office of the Ombudsman dahil sa red-tagging issue

Panibagong reklamo ang inihain ngayon sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa pagkakataong ito ay si Kabataan partylist Representative Sarah Elago ang naghain ng reklamo.

Partikular na inirereklamo ay sina Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Loraine Badoy at Legal Chief Alex Monteagudo.


Ang mga inirereklamo umano ang nanguna sa pag-atake kay Elago gamit ang social media.

Ginagamit lamang umano ng NTF-ELCAC para atakehin ang mga militanteng kabataan.

Dahil dito, nailalagay sa peligro ang kanilang buhay dahil sa red-tagging.

Nauna na ring naghain ng reklamo sa Ombudsman ang grupong Karapatan dahil din sa isyu ng red-tagging.

Facebook Comments