Nuezca, kanser sa PNP ayon kay Panelo

“Fake news!”

Ito ang tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kaugnay sa kumalat na ulat sa social media hinggil sa umano’y pagtatanggol niya kay Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.

Katunayan, ayon kay Panelo, mariin niyang kinondena ang ginawang pamamaril ng pulis.


Giit niya, masyado nang mapanganib ang ginagawang paninira ng mga kaaway ng estado para lang mapabagsak ang administrasyon sa pamamagitan ng “malicious disinformation”.

Payo ni Panelo, maging matalino sa pagpo-post at pagbabahagi ng impormasyon sa social media.

“Nung mapanuod ko ‘yong video ng pulis, I issued a statement, a very, very strong statement condemning the killing tapos e, a few minutes after meron nang lumabas na fake news sa’kin at pinagtatanggol ko ‘yong pulis. Itong mga nagpapakalat ng fake news e masyado nang mapanganib ang ginagawa nila. Sinisiraan nila hindi lamang ang pamahalaan pati ang mga opisyales para pabagsakin ito,” ani Panelo sa panayam ng RMN Manila.

Samantala, tinawag ni Panelo na kanser sa Philippine National Police (PNP) si Nuezca na aniya’y dapat maalis agad sa serbisyo.

“’Yang mga ganyang pulis e, tinatanggal na agad kasi ito’y parang an incipient cancer, nagisismulang cancer na pumapasok sa police force na kinakailangan to be excised instantly. Kasi sisirain nito ‘yong magandang imahe ng police e,” diin pa ni Panelo.

Facebook Comments