NWRB, magdaragdag ng water allocation sa harap ng banta ng COVID-19

Simula ngayong araw ay magdadagdag ng alokasyon ng tubig ang National Water Resource Board (NWRB) sa Metro Manila upang tugunan ang pangangailangan kontra Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Sa abiso ng NWRB, mula sa dating 42 cubic meter per seconds ay gagawin na itong 46 cubic meter per seconds.

Ayon sa NWRB, mas malaki ang pangangailangan ngayon ng tubig sa mga households lalo pa at mas malinis dapat ang kapaligiran.


Mananatili ang mas mataas na alokasyon ng tubig hangga’t umiiral ang National Public Health Emergency.

Tiniyak din nito na mayroong sapat na suplay ng tubig ang Metro Manila at karatig lalawigan sa buong taong 2020 sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam.

Sa kabila ng kasiguruhang sapat ang suplay ng tubig, umaapela pa rin ang NWRB sa publiko na huwag mag-aksaya ng tubig at maging responsable sa paggamit nito.

Facebook Comments