NWRB, mahigpit na binabantayan ang lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong papalapit na dry season

Binabantayan ng National Water Resources Board (NWRB) ang patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam.

Alas-6 ng umaga ngayong araw, nasa 197.68 meters ang water level ng Angat kung saan malayo ito sa normal high water level ng dam na nasa 212 meters.

Dahil dito, sinabi ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr., na ginagawa nito ang lahat upang matiyak na sapat ang suplay ng tubig ngayong papalapit na ang dry season.


Inihahanda na ng NWRB ang mga deep well at treatment plants ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at mga water concessionaire upang hindi sumampa sa minimum operating level na 180 meters ang Angat Dam.

Ang Angat Dam ang sumusuplay ng tubig sa 95% ng bahagi ng Metro Manila at karatig probinsya.

Facebook Comments