Ikinatuwa ng Quezon City Government ang patuloy na bumababang occupancy rate ng mga COVID-19 beds sa mga ospital sa lungsod.
Ayon sa QC-LGU, nasa 33% na lang ang COVID-19 ICU at 11% COVID-19 ward sa Quezon City General Hospital.
Mas mababa ito kumpara sa 44% at 33% na naitala noong nakaraang linggo.
Nasa 52% naman ang occupancy rate ng Rosario Maclang Bautista General Hospital mula sa 72% habang 52.08% naman sa Novaliches District Hospital mula sa 93.75% noong nakaraang linggo.
Samantala, nasa 2.15% na lang ang occupancy rate sa mga Hope Community Caring Facilities sa lungsod katumbas ng 34 na okupadong kama mula sa kabuuang 1,585 beds.
Facebook Comments