Pito, patay sa pagbagsak ng eroplano sa Peru

Walang naitalang nakaligtas sa pagbagsak ng isang eroplano sa Peru.

Kung saan, patay ang pitong indibidwal na kinabibilangan ng limang pasahero at dalawang crew.

Ayon sa imbestigasyon, patungo ang mga biktima sa sikat na Nazca lines ng bumagsak ang naturang eroplano.


Dagdag pa, nang mag-take off ang eroplano sa Maria Reiche Airport sa Nazca ay agad na bumagsak ito.

Pamamay-ari ng Aerosantos tourism company ang nasabing eroplano.

Facebook Comments