Office of the Ombudsman, pinalimitahan sa Senado ang kanilang confidential at intel funds sa ₱1-M

Lumiham ang Office of the Ombudsman kay Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara para limitahan ang alokasyon sa kanilang confidential funds.

Sa liham na ipinadala ni Ombudsman Samuel Martires kay Angara na may petsang October 6, 2023, hiniling nito na limitahan o ibaba sa ₱1-M ang confidential and intelligence fund (CIF) ng Ombudsman para sa taong 2024-2025 o hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.

Sa panukalang 2024 national budget, mayroong ₱51.468-M na confidential funds ang Office of the Ombudsman.


Matatandaang naunang sinabi ni Martires sa naging pagdinig ng Senado sa kanilang budget na handa siyang ipaalis sa Kongreso ang confidential fund lalo na kung mababahiran ang reputasyon ng mga opisyal at ng buong tanggapan.

Sinabi rin ni Martires na hindi makakaapekto sa functions o tungkulin ng Ombudsman kung tatanggalan ito ng confidential funds at maaari namang makakuha ng mga impormasyon sa ibang paraan na hindi gumagastos ng malaking halaga tulad ng pangiti-ngiti at paglilibre ng kape sa mga kaibigan.

Facebook Comments