Hiniling ni Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol na gawing malawak ang pagpo-produce ng OFW Handbook.
Ayon kay Datol, dapat na available din ang kopya ng OFW Handbook hindi lamang sa print kundi pati sa pdf, online, audio formats at maging braille na paraan ng pagbasa ng mga bulag.
Bukod dito ay hiniling din ng kongresista na isalin ang wika ng OFW Handbook sa iba’t ibang dayalekto sa bansa tulad ng Cebuano, Ilokano, Kapampangan, Bicolano, Waray at sa Arabic para sa mga taga Middle East.
Dapat din ay malalaki ang font version na gagamitin sa handbook upang madali ding mabasa ng mga matatanda at iba pang may vision problems.
Paliwanag ng mambabatas, ang maraming paraan ng pagpa-publish ng OFW Handbook ay makakatulong para lahat ng documented at non-documented OFWs sa ibang bansa ay makakabasa nito.