OFW MULA ISABELA, NABIGYAN NG TULONG MULA SA OWWA R2

CAUAYAN CITY- Isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa lalawigan ng Isabela ang nakatanggap ng tulong mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 2 matapos makaranas ng karamdaman.

Ang OFW, na nagtrabaho bilang domestic helper sa Oman sa loob ng labing pitong (17) taon, ay nabigyan ng agarang suporta sa pamamagitan ng Welfare Assistance Unit (WAU).

Pagdating niya sa Cauayan City Airport, agad siyang dinala sa Isabela Doctors General Hospital sa Ilagan City upang makatanggap ng kinakailangang medikal na atensyon.


Bilang bahagi ng patuloy na tulong sa kanyang paggaling at muling pagsisimula sa bansa, pinagkalooban din siya ng benepisyo mula sa Balik Pinas, Balik Hanapbuhay (BPBH) Program, Welfare Assistance Program (WAP), at iba pang tulong medikal.

Facebook Comments