OFW na si Jennifer Dalquez, ligtas na sa parusang kamatayan

Walang kalagyan ng tuwa ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez na taga Barangay Labangal Gensan, matapos itong naabswelto sa parusang kamatayan ng korte ng United Arab Emirates (UAE) matapos nitong napatay ang kanyang lalaking Employer sa Dubai noong taong 2014.

Kinumperma ni Rajima Dalquez ina ni Jennifer na kahapon, tinagawan ito ng isang opisyal ng Department of Foreign Affairs at sinabi na naabswelto na sa parusang kamatayan ang kanyang anak bagay na ikinatuwa ng buong pamilya.

Base sa impormasyon na ibinigay sa kanya kahapon mula sa DFA, na limang taon nalang na pagkakulong ang hatol kay Jennifer matapos nitong napatunayan na Self Defense lang ang kanyang ginawa matapos syang pagtangkaang halayin ng kanyang amo.


Pero dahil nakulong na ito ng mahigit dalawang taon mula 2014 at nahatulan noong may 2015, dalawa’t kalahating taon nalang ang kanilang hihintayin para makauwi na ng Gensan si Jennifer.

Kasabay nito malaki ang pasasalamat ni Rajima Dalquez sa mga tumulong sa kanyang anak na mababaan ang hatol sa kanya.
Dagdag pa ni Rajima na iisipin nilang isang malaking utang na loob ang tulong na ibinigay sa kanyang anak ng mga ahensya ng Gobyerno NGO’s mga opisyal ng gobyerno at mga kasapi sng Media na tumutok sa kaso ng kanyang anak.

Facebook Comments