Kalibo, Aklan – 10 tao na nagkaroon ng close contact sa 28 years old na seafarer ang kukunan ngspecimen samples bukas ng Provincial Health Office PHO-Aklan para isailalim sa laboratory test.
Ayon kay Provincial Health Officer 1 Dr. Cornelio Cuachon Jr., ang nasabing seafarer ay nakastrict homequarantine habang hinihintay pa ang resulta ang kanyang swab sample for confirmatory test mula sa Western Visayas Medical Center sub-national laboratory Iloilo City, pero June 6, 2020 lumabas na ito ng bahay na hindi namalayan ng mga Barangay Health Emergency Response Team ng bayan ng Lezo at namasyal sa kanyang mga kamag=anak. Kinaumagahan aniya natanggap ng PHO-Aklan ang resulta at positibo sa virus ang nasabing seafarer.
10 sa kanyang kamag anak ang kanyang nakasalamuha kasama na rito ang kanyang mga magulang,habang ginagawa na rin ngayon ng Lezo Inter-Agency Taskforce ang contact tracing sa mga nakasalamuha naman ng kanyang mga kamag anakan at negosyanteng ina na may pwesto sa isang public market dito.
Ang travel history aniya ng nasabing seafarer ayon kay Dr. Cuachon, mula Germany March 30 ng dumating ito ng Manila at nanatili sa kanyang mga kamag anak doon, May 7, kinunan siya ng swab sample para sa isang reverse transcription polymerase chain reaction RT-PCR testing sa Palacio De Manila Testing Center, May 10 lumabas na negatibo ang resulta, May 25 umuwi ng Aklan sakay ng sweeper flight via Iloilo International Airport, 3 araw na nanatili sa Aklan quarantine facility, May 29 kinolekta ng PHO-Aklan ang kanyang swab specimen, June 7 lumabas na positibo ang resulta, confined na ngayon sa Aklan Provincial Hospital Covid ward ang nasabing seafarer. Ito na aniya ang pangatlong Aklanon repatriated OFW’s na nagpositibo sa covid 19…
OFW’S NA BINALEWALA ANG STRICT HOME QUARANTINE NAGPOSITIBO SA COVID-19, PAGKUHA NG SWAB SAMPLES NG MGA TAONGKANYANG NAKASALUMUHA ISASAGAWA BUKAS NG PHO-AKLAN
Facebook Comments