Nagpa-panic buying na rin ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong.
Sa harap ito ng napapaulat na magkakaroon ng citywide lockdown doon.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Hong Kong kung saan mas mataas ng 12 beses ang naitatalang mga bagong kaso ng infection doon.
Ayon sa mga OFW doon, ilang oras silang nakapila sa groceries doon matapos utusan ng kanilang employers na mag-imbak ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan.
Ang planong lockdown sa Hong Kong ay kaugnay ng gagawing compulsory universal testing.
Facebook Comments