MANILA – Inalmahan ng Makabayan Bloc ang pinakabagong bigtime oil price increase na epektibo ngayong araw, maging ang water rate hike na ipatutupad naman sa Abril.Ayon kay BayanMuna PL Rep. Neri Colmenares, ang mga nakalipas na oil price rollbacks ay naging balewala at tila nabasura dahil sa bago at napakalaking dagdag sa halaga ng mga produktong petrolyo.Giit ni Colmenares, kailangan na kailangan na talaga ng bansa ng regulasyon ng oil industry upang maprotektahan ang mga konsumer laban sa overpricing at pang aabuso ng mga kumpanya ng langis.Nauna nang nag anunsyo ang mga oil company ng price hike sa gasolina, diesel at kerosene.Kinuwestiyon din ni Colmapenares ang ipatutupad na taas singil sa tubig.Binigyang diin ng Kongresista na hindi dapat ipina-pasa sa mga konsumer ang Foreign Currency Deposit Act of the Philippines o FCDA component na nakasaad sa water bill.Paalala ng Mambabatas, mayroong sovereign guarantee para sa water concessionaires, na dapat ay matagal na ring dapat inalis ng gobyerno.
Oil Price Increase, Inalmahan Sa Kamara
Facebook Comments