ONE KABATAAN FOR ONE DAGUPAN, PATULOY NA ISINUSULONG

29

Patuloy ang pagbisita ng Alkalde sa iba’t-ibang barangay ng Dagupan City para sa dayalogo sa pagitan ng mga current scholars at lokal na pamahalaan.

Siniguro ng lokal na pamahalaan na walang anumang hinihinging kapalit mula sa mga scholars, walang tatanggaling current Dagupan LGU Scholars at kinakailangan lamang na mamaintain ang passing grades sa kani-kanilang paaralan, base na rin sa Implementing Rules and Regulations ng Scholarship Program.

Binigyang-diin din na walang maiiwang kabataan sa Scholarship Program ng Dagupan City.

Ilan sa kwalipikasyon upang mapabilang sa Scholarship Program ay dapat walang bagsak na grades at isang tunay na Dagupeno.

Tiniyak ng Alkalde na patuloy ang ibibigay ng suporta ng lokal na pamahalaan para sa tulong pinansyal ng mga Scholars ng Lungsod. |ifmnews

Facebook Comments