GOOD NEWS: ZUMBA DANCE COMPETITION SA BAYAN NG ASINGAN, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

36
Nagpamalas ng kakaibang indak at galaw ang ibat-ibang grupo na sumali sa isinagawang Hataw Sayaw 2022 Dance Competition bilang selebrasyon ng Municipal Tourism Month at Kick off ng World Teachers Day noong ika-30 ng Setyembre 2022 sa Bayan ng Asingan.
Nagmistulang isang malaking zumba dance ang public plaza sa sobrang daming kalahok.
Ang mga nasabing kalahok na humataw sa dance floor ay mula sa Asingan District 2 teaching and non-teaching staff, TESDA-LMMSAT, EO189 Schools at ang LGU Asingan.

Samantala, nasungkit ng Luciano Millano National High School ang ikalawang pwesto at unang pwesto naman ang Asingan District 1 at tinanghal na kampeon ang Angela Valdez Ramos National High School.
Layunin ng programa na hindi lang magbigay saya kundi magkaroon ng malakas na pangangatawan ang mga mamamayan ng Asingan. |ifmnews
Facebook Comments