Online disinformation, pinakamahalagang isyung tinalakay sa debate ng COMELEC –Pol. Analyst

Pinuri ng isang political analyst ang pagtalakay sa usapin ng online disinformation sa isinagawang presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC), Sabado ng gabi.

Ayon kay Atty. Michael Yusingco ng Ateneo de Manila University Policy Center, napapanahon ang tanong ukol sa disinformation lalo na ngayong campaign period kung saan talamak ang fake news.

Aniya, maraming pananaliksik na ang nagpapakita na malaking problema sa lipunan ang disinformation na isa sa dapat maresolba ng susunod na pangulo ng bansa.


Naniniwala naman ang political analyst na magandang pagkakataon na sana ang naturang debate para harapin ni Bongbong Marcos ang mga akusasyong siya ang pinaka-benepisyaryo ng fake news sa social media.

Samantala para kay Yusingco, pinaka-nagtstand out sa debate sina Vice President Leni Roredo, Manila Mayor Isko Moreno at Senator Panfilo Lacson.

Aniya, makikita sa pagsagot ng tatlo sa mga tanong sa debate na alam nila ang kanilang sinasabi, nauunawaan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa kaya nakapaglalatag sila ng mga plano at programang naaayon sa realidad.

Facebook Comments