Manila, Philippines – Hindi na pinansin ng Palasyo ng Malacañang ang resulta ng online survey na ginawa ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson kung saan nagtanong ito kung sino ang gusto ng netizens na ipalit kay Social welfare Secretary Judy Taguiwalo.
Kabilang kasi sa kanyang inilabas na pagpipilian ay si Vice President Leni Robredo na nakakuha naman ng 80% boto mula sa mga netizens.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iba ang pamantayan na pagbabasehan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng papalit kay Taguiwalo sa DSWD.
Pero kahit naman aniya nanguna sa online survey ni Uson si Robredo ay malabo naman aniya itong italaga ni Pangulong Duterte sa DSWD dahil sa ilang mga isyu sa pagitan ng dalawa.
Facebook Comments