OPAPRU, pabor sa pagpapaliban ng BARMM Parliamentary Elections

Sang-ayon ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) na ipagpaliban ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa 2025.

Bagaman ayaw madaliin, umaasa si Peace Adviser Sec. Carlito Galvez na mare-reset ito kasabay ng kagustuhang maibalik ang Sulu sa rehiyon.

Aniya, sa ngayon ay ipinasa na rin ng pangulo ang pagdedesisyon sa usaping ito sa Kongreso.


Pero habang wala pang pasya hinggil dito, sinabi ni Galvez na magpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kaukulang mga ahensya na naghahanda para sa nasabing halalan sa BARMM.

Matatandaan na pareho ngayong nakabinbin sa Kamara at Senado ang panukalang mga batas na magpapaliban sa kauna-unahang halalan sa BARMM.

Facebook Comments