Kakatukin ng mga health practitioners ang bawat kabahayan sa Brgy. Poblacion, Alaminos City simula ngayong Lunes, Enero 26, para sa pambansang kampanya laban sa malnutrisyon!
Katuwang ang City Health Office, aarangkada na ang house to house visit para sa mga batang edad zero hanggang limampu’t-siyam na buwan. Hindi lang ito basta pagtitimbang ito ang magiging blueprint ng lungsod para sa mga susunod na nutritional programs at feeding activities.
Samantala, sa Barangay Poblacion, all-out ang pwersa ng barangay council, nutrition scholars at health workers upang libutin ang bawat kabahayan hanggang sa huling bata sa kanilang nasasakupan.
Hinihikayat ang mga magulang, na makilahok sa isasagawang operasyon bilang inisyal na hakbang tungo sa mas inklusibong pagtutok sa kalusugan ng mga Kabataan.










