iFM Laoag – Hinalungkat ang nakapadlock na opisina ni dating Laoag City Treasurer na si Ms. Elena Asuncion matapos ang limang (5) taon na nakakandado simula pa noong 2016.
Ito ay tungkol sa nawawalang pera ng lungsod na nagkakahalaga ng 85.4 Million Pisos na ‘di umano’y tinangay ng nasabing tresurera.
Binuksan ang nasabing opisina ng mga kawani ng Bureau of Local Government Finance, Provincial Treasury Office na pinangungunahan ni Provincial Treasurer Mrs. Josephine Calajate, Commision on Audit, City Treasury Office, Laoag City Vice Mayor Vicentito Lazo at iba pang opisyales ng lungsod.
Sa ngayon, kasalukuyang gumagawa ng imbentaryo sa mga gamit na nasa loob ng opisina pati narin ang laman ng vault.
Maaalala na gumawa ng Resolution ang Sangguniang Panlungsod ng Laoag upang maisagawa ang paghahalungkat. Malalaman ang resulta ng imbestigasyon pagkatapos ng imbentaryong nagaganap.
Nawawala naman magpahanggang ngayon ang tresurera ng Laoag City na pinaghahanap ng otoridad.
Bernard Ver, RMN News