Ito ay makaraang ipag-utos ni DENR Secretary Jim O. Sampulna para sa pagsasagawa ng naturang hakbang na magsisimula bukas, Abril 12, 2022.
Kaugnay nito, tinalakay ang iba’t ibang alituntunin at regulasyon ng DENR ukol sa isinasagawang pagkakabit sa mga puno ng mga posters at campaign materials ng mga tumatakbong kandidato sa local at national election kaugnay sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2022.
Binigyang diin ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan na isa sa nakapaloob na regulasyon ang pagbabaklas ng mga campaign materials na nakapako sa mga punong kahoy sa mga pampublikong lugar.
Dumalo sa Press conference via Zoom ang kinatawan ng Isabela Police Provincial Office,5th Infantry Division; City at Municipal Election Offices; at Local Government Units.