Cabatuan, Isabela – Nagsagawa ng oplan bandillo ang mga otoridad sa bayan ng Cabatuan, Isabela bago at sa mismong araw ng pagsalubong ng taong 2019.
Ayon kay PO3 Francis Bayona, ang Police Community Relation Officer (PCRO) ng PNP Cabatuan na naging zero casualty umano sa paputok o anumang insidente may kaugnayan sa paputok ang Cabatuan dahil sa naging matagumpay ang kanilang isinagawang oplan bandillo.
Aniya, nag-ikot ang mga pulis sa mga matataong lugar upang ipabatid ang negatibong epekto ng paggamit ng paputok o mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong ng bagong taon at ang hindi pagtangkilik ng anumang paputok.
Ipinagmalaki pa ni PCRO Bayona na walang nagbenta ng paputok sa Cabatuan dahil sa wala umanong nakakuha ng kaukulang permit upang magbenta ng paputok.
Gayunman ay sa ibang bayan o lugar lamang bumili ng paputok ang ilang residente ng Cabatuan noong bagong taon at aniya’y may itinalaga ang munisipyo at pnp na lugar para sa mga gumamit paputok.