Oplan kapkap bakal pinalakas ng kapulisan

Walang puknat ang ginagawang surprised checkpoint o oplan kapkap bakal ng mga elemento ng PP1 sa pangunguna ng kanilang hepe nasi PCI Reynaldo Delanten sa kanilang nasasakupan. Ipinag utos kasi ni City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio sa kanyang mga tauhan na paigtingin ang pagconduct ng surprised checkpoint upang mahuli ang nagdadala ng mga baril at mapigilan ang insedente ng krimen.
Naglagay din ng mga police sa mga kanto sa downtown area si Col.Octavio pati narin sa mga shopping mall.Kung kayat nitong nakalipas na mga araw ay naminus-minus ang insedente ng pamamaril, habang marami naman ang nahuhuli sa mga sangkot sa kalakaran ng droga.Maging sa ibang police station ay pinalakas din ang oplan kapkap bakal.

Facebook Comments