Dahil sa mga sunod sunod na insedente ng pamamaril na madalas nabibiktima ay mga habal-habal driver at kung hindi naman ay mga riding in tandem criminal ang sinasabing mga suspect..
Bunsod nito ay ipinag utos ni City PNP Director PS/Supt.Rolly Octavio sa Traffic Management Unit at sa City Public Safety Company ang mas pinaigting na pagcheck sa mga records ng mga habal-habal driver sa buong lungsod.
Kayat umpisa kahapon ng umaga ay inikot ng mga kapulisan ang lahat ng terminal ng mga habal-habal upang e check ang kanilang mg records kung meron ba silang kumpletong dokumento at kung sila bay taga cot.city, dahil may mga inpormasyon na ilan sa kanila ay taga maguindanao.
Hinanapan sila ng driver license, OR/CR at mga stickers kung sila bay nakarehistro sa kanilang pinagmulang barangay… Nais kasi ni col.Octavio na magkaroon ng rehistro sa barangay ang mga habal-habal driver ng sa ganun ay madali lang silang matuky kung saan sila na barangay upang magkaroon na sila ng data base sa mga namamasada.
Hindi umano lingid sa kaalaman ng karamihan na minsan ang mga habal-habal driver ay ginagamit na drug courier….Kahapon ay marami nga ang nahuli at naimpound na mga motorsiklo.
Oplan sita sa mga habal-habal ipinatupad na
Facebook Comments