Oplan Tabang “Tulong” Taal: Radyo Trabaho at RMN Foundation Relief Operation

Oplan Tulong Taal Relief Operation ng Radyo Trabaho at RMN Foundation

Noong nakaraang January 29th 2020, aabot sa apat na raan at dalawamput isang pamilya na biktima nq pagsabog ng bulkang taal ang nabigyan ng tulong ng RMN DZXL 558 Manila Radio Trabaho at RMN Foundation. Kabilang sa mga nabigyan ng mga hygiene kits, food packs at vitamins ay ang dalawang daang pamilya sa Barangay Bucal sa Silang at dalawamput walo sa Barangay Javalera sa General Trias sa Cavite.

Siyamnaput pitong pamilya naman ang nabigyan din ng mga relief goods sa Barangay Hugo Perez habang animnapu sa Inocencio, dalawamput walo sa Barangay Cabuco at walo sa Barangay Osorio sa Tercero Martirez, Cavite. Sa kabuuan, nasa higit 2,105 na indibidwal ang masayang tinanggap ang mga bitbit na tulong ng RMN Foundation at DZXL 558 Radyo Trabaho. Karamihan sa mga bakwit na nananatili sa mga nabanggit na barangay ay nagmula sa Laurel, Calais, Mataas na Kahoy, Malvar, Masayang, Sampaloc, Lemery, Taal, Leviste at Talisay, sa Batangas.


Nabatid na mas ginusto muna nilang manatili sa evacuation centers dahil ramdam nilang ligats sila at wala pang kasiguraduhan ang lagay ng bulkang taal. Ang iba sa kanila ay nakikituloy muna sa mga kamag-anak habang may ilan din bakwit na nag-uwian na sa kani-kanilang tirahan matapos ibaba sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Nagpasasalamat naman tayo sa ACS Manufacturing Corporation na walang sawang sumusuporta sa DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Foundation para sa hangarin natin makatulong sa mga kababayan natin na biktima ng kalamidad.

Maging sa ating mga listeners at sa ilang individwal na nagbigay ng donasyon sa ating Oplan: Tabang (Tulong) Taal donation box na nakaset up sa ground floor ng Guadalupe Commercial Complex Building at sa lobby ng ating DZXL Radyo Station. — Nagbabalita RadyoMan Emman Mortega

 

Facebook Comments