Oplan Tornado, ikinasa sa loob ng Manila City Jail

Ikinasa ng pamunuan ng Manila City Jail ang Oplan Tornado o ang Greyhound Operation sa kanilang piitan.

Sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Manila City Jail sa pamumuno ni Jail Supt. Mirasol Vitor at ng Manila Police District Police Station 3 sa pamumuno naman ni Police Lt. Col. Jonathan Villamor, naisagawa ang Joint Greyhound Operation sa nasabing piitan.

Layunin ng aktibidad ay upang masugpo ang anumang iligal na kontrabando sa loob ng piitan.


Isa-isang pinasok ng mga awtoridad ang mga selda at wala pa naman inilalabas na kumpletong report kung anong mga ipiangbabawal na bagay ang nakumpiska.

Isa rin sa layuninng pamunuan ng Manila City Jail kaya ikinasa ang operasyon ay para mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng bawat dormitoryo.

Maging ang kalusugan ng bawat person deprived of liberty ay mino-monitor din ng mga tauhan ng Manila City Jail.

Kaugnay nito, muling nagbabala ang pamunuan ng nabanggit na piitan sa mga dadalaw na huwag ng tangkain pa magpasok ng kontrabando dahil hindi ito uubra at mananagot lang sila sa batas.

Facebook Comments